What is asked: Sino ba kasi yang Lym na yan?
What is/are given: Student, Teacher, Woman, Member of this society, Netizen
Solution/s:
Bilang estudyante, may mga pagkakataong naging tamad ako. Maalalahanin lang kaya mukhang masipag. Ma-pride lang kaya bida-bidahan minsan. Mukha lang magaling, pero hindi naman ganoon kagaling. Akala mo matalino, akala mo lang yun. Magaling daw mag-English, nagkataon lang na mas hindi ka mahusay sa akin.

Bilang isang guro, nagsisipag-sipagan ako. Sa fakulti, ako ang may pinakamalinis na mesa kaya marami ang gustong kumain doon sa pwesto ko. Ganyan ang sipag-sipagan. Nakatago na sa drawer ang dapat itago. Malinis kasi ako magtrabaho pagdating dito.
Bilang isang babae, hindi ako kikay. Hindi ako nagpapabuhat ng bitbit na gamit kahit mabigat dahil wala namang magbubuhat at kahit mayroon, saka na kapag tinamad na akong magbuhat. Nahiya naman ako sa kamay ko. Hindi rin naman ako Feminist.
Bilang kasapi ng lipunang ito, hindi ako isnabera sa mga isyu. Pakialamera pwede pa -- and I know how and when to mind the society's own business. Hindi naman ako sinungaling. Masyado lang ako mahilig magsabi ng totoo minsan.
Bilang isang netizen, wala lang. Hindi ako nagpopost ng larawan ko na na-instagram o na-edit sa pixlr. Pinutakte ko ang profile ko sa MySpace ng mga anime pictures, nag-comment ng blinkies sa Friendster, at umamin ng pansariling pagkakamali sa Facebook. Masaya maging mysterious kuno.
Ito na yata ang pinakamahabang about me na nagawa ko para sa mga tao sa internet.
PROBLYM SOLVED!
PROBLYM SOLVED!